Sabado, Marso 2, 2013

Magkabilaan



 May kanya-kanyang pagtingin ang bawat tao na naaayom sa kanilang pagkilos,pandama at ito ay nagreresulta ito ng pagpuna sa iba’t-ibang bagay tulad na lang dito sa unang liriko ng kanta,na ang katotohanan daw ay may dalawang mukha, ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba, may puti, may itim, liwanag at dilim may pumapaibabaw at may pumapailalim. Na  ang ibig sabihin, bawat tao sa ating bansa ay may sariling pag iisip kung aano nyo bibigyang kahulugan ang isang bagay gamit ang kanyang pananaw at sariling opinyon. Mayroong mataas at mayroong mababa. Base dito sa kanta, ipinapahiwatig nito ang kalagayan ng mga tao sa mundo na sa ating bansa, ang posibilidad na nararapat mangyari o nangyayari sa loob ng isang mundo. Sabi nga sa kanta na magkaibigan ang mundo dahil sa kiulos o galaw natin ay may kaakibat na posibilidad na mayroong kasalungat o epekto ng isang pangyayari. Responsibilidad na kailangan nating ginagamit bilang isang tao na binigyan ng pagkakataong mabuhay.
           Tunay na napakasayang isipin na may isa tayong mundo na pare parehas nating ginagalawan subalit hindi natin napapansin na sobra na pala. Madami na palng problemang dapat ayusin. Masyado na pala tayong nasisiyahan, hindi na natin lubos maisip na tapos na pala, huli na pala ang lahat. Wala na tayong inaasam na pagbabago, bulok na pala ang sistema nating mga tao. Kaya dapat tayo’y magkaisa na baguhin natin ang araw-araw nating nakakasanayan, ituwid ang mga mali at linangin pa ang mga tama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento